Description
The second offering from SVPP’s Aklat-Salin brand of literary classics, MGA MUNTING BABAE is a Filipino translation of the well-loved coming-of-age story of Jo March and her sisters in LITTLE WOMEN by Louisa May Alcott. Translated by Prof. Rowena Festin and Sophia Perez, and edited by Ms. Bibeth Ortiz.
Ang Little Women ay nakakonteksto sa karanasan ng mga pamilya noong kasagsagan ng digmaang sibil sa Amerika, at kung paanong iginigiit ng mga babae ang kanilang tinig sa panahong napakasikip ng espasyo para sa mga babae. Ang nobelang Little Women ay nakalugar sa mga taong 1849 (edad 17 si Louisa May Alcott) hanggang 1868 (taon ng unang pagkalathala ng Little Women) sa Amerika.
Sa isang banda, nailarawan sa nobela ang kahirapan ng buhay ng pamilyang March, matapos diumano salbahin ng kanilang ama ang isang kaibigan. Ngunit sa kabilang banda, hindi nito lubos na nailarawan ang katotohanang hikahos at madalas nagugutom ang magkakapatid na Alcott dahil ang kanilang ama na si Bronson Alcott ay, ayon pa kay Louisa, ‘parang isang lalakeng lumilipad sa alapaap sakay sa lobo, samantalang ang pamilya niya ay patuloy na hinihila siya pababa para tumapak sa lupa.’ Edukador si Bronson at kahalubilo niya ang mga higante sa panitikan at kaisipang Amerikano ng panahong iyon tulad nina Nathaniel Hawthorne, Henry David Thoreau, Henry Wadsworth Longfellow at Ralph Waldo Emerson. Ngunit sa punto de bista ng lipunan at ang tanaw nito sa papel niya bilang ama, hindi niya gaanong nagampanan ang tungkuling itaguyod ang kabuhayan ng kanyang pamilyang madalas ay walang makain.
Kung ikukumpara sa kasalukuyan, hindi progresibo ang antas ng pagkilala sa karapatan ng babae sa kwento ng buhay nina Jo, Meg, Beth at Amy; pero tandaan natin na ito ang panahong hindi pa nakakaboto ang mga babae, hindi nagsusuot ng pantalon, kailangang may asawa ang babae, hindi basta asawa — dapat mayaman upang maging maalwan ang kanyang buhay, dahil hindi siya kahit kailan maaaring humawak ng mataas na posisyon sa anumang malaking negosyo o opisina. Ngunit sa pamamagitan ni Jo, nagkaroon ng boses ang mga babaeng may mga ‘kastilyo sa hangin.’
Language: Filipino
ISBN 9-786219-584333
Soft Cover
Published and released on October 2021
Reviews
There are no reviews yet.