Description
Author: Lualhati Bautista
โ๐๐ถ๐ฏ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฉ๐ข๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฌ๐ฅ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ถ๐ต๐ช๐ด๐ต๐ข.โ โBienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
Si Amanda Bartolome ay isang pangkaraniwang babaeโasawa ni Julian at ina ng limang anak na lalaki. Sa kanilang subdibisyon, pinakamalaking problema na niya ang mga kapitbahay nilang hindi na natapos magreklamo tungkol sa mga malokong batang Bartolome.
Ngunit ang panahon ng martial law ay hindi pangkaraniwang panahon. Sa pangunguna ng panganay nilang si Jules at ang kanyang pagsabak sa madugong rebolusyon, di maiiwasang harapin ng pamilya ang karahasan ng batas militar. Habang ang kanyang mga anak ay hinuhubog ng malagim na dekada, at nahahanap ang kanya-kanyang sariling adhikain sa gitna ng kaguluhan, tinatanong at tinutuklas din ni Amanda ang sarili kung ano nga ba ang kanyang tungkulin at kakanyahan bilang ina, bilang babae, bilang Pilipino.
Si LUALHATI BAUTISTA ay nagsimulang magsulat sa edad na disisais. Ang mga unang kuwento niyaโy nailathala sa Liwayway at sa mga antolohiya ng maiikling kuwento. Nakamit niya ang unang gantimpala sa Palanca para sa mga nobelang โGapรด (1980), Dekada โ70 (1983), at Bata, Bata . . . Paโno Ka Ginawa? (1984), liban pa sa mga Palanca na nakamit niya para sa mga maiikling kuwento.
Nagsusulat din siya sa telebisyon at pelikula. Dumanas na siya ng pagka-ban ng sensor sa dulang Daga Sa Timba ng Tubig na idinerehe ni Lino Brocka. Ang Sakada na pelikulang tumatalakay sa kalagayan ng mga sugar workers at pinagtulungan nila ng isa pang screenwriter, si Oscar Miranda, ay kinumpiska ng militar sa mga unang taon ng martial law. Gayunman, ang unang solong pelikula niya, ang Bulaklak sa City Jail, ay nagkamit ng karangalang best story at best screenplay sa Metro Manila Film Festival sa taong 1984 at best screenplay sa Film Academy Awards.
Noong 2017, pinarangalan siya ng Gawad Dangal ni Balagtas ng Komisyon sa Wikang Filipino.
ISBN: 9789712733987 โข 0.270 kg โข 5.5 ร 7.5 in โข 2018 โข 220 pages
Reviews
There are no reviews yet.