Description
Hatid ng award-winning na manunulat na si Eugene Y. Evasco ang dalawampung kuwento ng hiwaga, pangarap, at pakikipagsapalaran.
May dagang tumutupad sa mga kahilingan. May aklatang puwedeng hiraman ng mga pusa. May gagamba na kampeong boksingero. May mga halaman at punong gustong makipagkaibigan. May dyipning mistulang superhero!
Kilalanin ang kamangha-manghang mga tauhang magbibigay-buhay sa mga pahina ng Ang Mahiwagang Silid ni Lola: Mga Tinipong Kuwentong Pambata at tuklasin ang mga aral tungkol sa kabutihan, katapangan, at pakikipagkaibigan.
Ilan sa mga kuwentong nakapaloob ay pinarangalan sa Catholic Mass Media Award, PBBY-Salanga Prize, at iba pang award-giving bodies. Isinabuhay ang mga ito ng mga guhit ng National Children’s Book Award Best Reads Citation at Italian Excellence: Pinocchio’s New Clothes winner na si Domz Agsaway.
Title: Ang Mahiwagang Silid ni Lola: Mga Tinipong Kuwentong Pambata
Author: Eugene Evasco (mga guhit ni Domz Agsaway)
ISBN: 97127-3943-9
Book Category: Fiction
Copyright Year: 2026
Dimension: 5 x 8
Pages: 216






Reviews
There are no reviews yet.