Bone Talk – Filipino Edition

250.00

Description

Isandaang taon na ang lumipas, isang batang nagngangalang Samkad ang nag-aakalang alam niya na ang lahat. Alam niya ang bundok na kaniyang tirahan. Kilala niya ang kaniyang tribu. Kilala niya ang kanilang kaaway na mortal, ang mga Mangili. Gusto niyang maging isang ganap na lalaki, mabigyan ng sarili niyang kalasag, sibat at palakol panlaban. Si Luki, ang matalik niyang kaibigan, ay gusto rin ng lahat ng ito — iyon nga lang ay babae siya, at walang babaeng nagiging mandirigma kahit kailan.

Pero magbabago ang lahat sa pagdating ng isang batang lalaki sa nayon. Sinasabi niyang kapatid niya si Samkad, pero wala siyang nalalaman tungkol sa buhay sa kabundukan. May dala siyang balita tungkol sa mga tinatawag na “Amerikano,” na sa kanilang pagdating sa nayon ay may dalang gulo at digma…

ISBN: 9789712735936
Imprint/Categories: Anvil Teens, New Releases, Trade Books
Weight 0.217 kg
Dimensions 5 × 8 in
Edition Bookprint
Year 2022
Language Filipino
Pages 240

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.