Description
Written by Jose Rizal
Translated by Virgilio S. Almario
1999 National Book Award for Best Translation
Natapos sulatin ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere noong Pebrero 21, 1887 sa Berlin at lumabas sa limbagan pagkaraan nang mahigit isang buwan. Noong Agosto 30 sa taon ding iyon, ipinagbawal sa Filipinas ang pag-aari at pagbasa sa naturang nobela, alinsunod sa batas ng Arsobispo ng Maynila. Kinumpirma ng lupon sa sensura ang pagbabawal dahil tahasan itong tumutuligsa, diumano, sa relihiyon ng mga estado, mga institusyon, at mga kagalang-galang na tao sa FIlipinas sa panahon ng kolonyalismong Espanyol bukod sa hitik ito sa mga “kaisipang banyaga” na maaaring pumukaw ng poot laban sa Espanya. Hindi makatarungan ang pagbabawal. Ngunit tama ang mga awtoridad dahil kasama ng karugtong na nobelang El Filibusterismo ay pinatunayan ng kasaysayan ang bisa ng panulat ni Rizal sa pagkamulat ng mga FIlipino. Makalipas ng ilang taon, sumiklab ang Himagsikang Filipino na tumapos sa mahabang pananakop ng mga Espanyol. Dinadakila ngayon ang mga nobela ni Rizal bilang matalim na pagsusuri sa lipunang kolonyal at feudal at bilang huwaran ng malikhain at realistang pagsulat nang may kalakip na mithiing pampolitika.
Published: 1998
ISBN: 978-971-508-478-9
Language: Filipino (Tagalog)
Age Recommendation: 15+
340 pages | 450 grams | 8.75 by 12 inches
Reviews
There are no reviews yet.