Description
Created by Lola Larra and Vicente Reinamontes
Inokupahan ng mga estudyante ang isang school. Nagbago ang lahat mula roon: ang mga klasrum, ang futbol field, at maging ang mga estudyante. Sa isang notebook, isinusulat ni Nicolas ang mga nangyayari sa pag-okupa nila. Naiinip na siya sa mahahabang pagpupulong. Samantala, may nagmamasid sa kanila mula sa katabing lumang bahay.
Pinagsanib na komiks at salaysay, ito ay kuwento sa panahon ng masiglang pagsisimula ng paglaban ng mga estudyanteng Chile.
What happens when 35 students take control of their school? What happens when no grown-ups are around, when the regular daily routine is abandoned and where time seems to be altered?
A student writes in his diary his account of the occupation. A neighbour close by watches. The takeover, at the beginning simple and smooth, even boring, becomes complicated when food grows scarce, a sabotage takes place and, above all, an unexpected visitor arrives.
Unang inilathala sa Espanyol (Al sur de la Alameda), kabilang na ngayon ang libro sa Aklat ng Salin, mga pilîng aklat pambatà mula sa ibáng bayan na nagsasalaysay ng mga karanasang lalo pang makapagpapayaman sa balon ng sensibilidad at kaalaman ng mga batàng Filipino. Layunin din nitóng mapalawak ang karanasang pangkultura ng mga mambabasá sa pamamagitan ng pagtiyak na maiuugnay ng mga batà ang kaniláng sarili sa akdang binabása. Masinop ding isinalin ang bawat aklat sa seryeng ito upang maipamalas ang yaman at husay ng wikang Filipino sa pagsasalaysay ng mga dayuhang kuwento.
ISBN: 9789715087520
Published: 2019
Language: Filipino (Tagalog)
Age Recommendation: 14+
340 pages | 800 grams | 6.25 by 9 inches
Published by Anino Comics, an imprint of Adarna House
Reviews
There are no reviews yet.